Philippine Hot Air Balloon Festival
TIPS
? Wag na kayo pumasok sa gates at magbayad ng entrance fee. Kita naman yung hot air balloons sa labas ng fence.
? Yung ibabayad nyo sa entrance (P350), pamasahe nyo na lang para sa side trip sa beach sa Subic (P300 RT, more or less) after ng morning event ng hot air balloons, tas balik na lang kayo sa hapon for the evening event tsaka fireworks display. Ganun ginawa namin last 2015.
? Ginawa po namin ito kasi hot air balloons lang talaga ang gusto namin makita. Pero maraming ibang events all day na pwede mong mapanood kung papasok ka sa loob (like plane flying exhibition, etc.). Check out the official website for more info.
? Pwede rin kayo dumiretso sa Anawangin/Nagsasa (San Antonio) or Crystal Beach (San Narciso) kung may time kayo for an overnight stay. Konting kembot na lang sila from Subic. You may contact Kuya Embot Villanueva for tours, boat transfers, island hopping, and camping needs in Anawangin/Nagsasa. Solo namin yung campsite sa Nagsasa nung nagpunta kami and take note, weekend yun ha ? For Crystal Beach, I have a separate post about it dito sa group. Search nyo na lang “Crystal Beach Janine Gandeza” (oo, tinry ko yan at nagwork hahaha).
? Kung ayaw nyo magbeach, pwede rin kayo pumunta sa Nayong Pilipino, Sandbox, or Sky Ranch. Di ko lang sure kung magkano magagastos nyo dun kasi di ko pa nagagawa yun ?
– slippers (in case magkapaltos kayo sa hike este alay-lakad)
? Agahan ang punta at ang alis doon kasi DAGSA ang tao. Otherwise, ihanda ang sarili sa kilo-kilometrong alay-lakad at ilang oras na standing ovation sa bus at terminal.
4:30 am – ETD Victory Liner, Cubao (Sakay kayo ng pa-Dau or kahit anong route na dadaan dun. Standing ovation na ng gantong oras, so you may want to leave earlier.. pakicheck na lang ang bus schedule)
*Malapit lang ang Clark from Dau. Wala pang 10 petot yung pamasahe namin nun, if I remember correctly. Matagal lang ang byahe kasi TRAFFIC WAS REALLY BAD.
7am – 9am – HOT AIR BALLOON FLYING
9:30 am – ETD Clark going back to Dau
*Sakyan nyo yung bus na pa-Iba. Wag pa-Olongapo, kasi magda-dalawang sakay kayo nun (bus + jeep).
*Check Google Maps na lang kung di nyo trip ang Baloy. Madaming magkakatabing resorts dun.
4pm – ETD Subic – Dau, then Dau – Clark
*Umambon at mahangin pagbalik namin sa Clark. Umasa kaming mawawalaang di masyadong magandang panahon at itutuloy ang night event + fireworks display. Naghintay kami hanggang 7pm ngunit nabigo kami. Canceled yung evening event. ?
2am – ETA Cubao (Oo bes, ganun katagal ang binyahe namin pauwi. But it was all worth it ?)
? You may opt to go back to Manila straight from Subic, kasi ganun lang din naman makikita nyo sa Clark sa gabi, except for the fireworks display add-on. Sa tingin ko less hassle yun at mas mabilis ang byahe pag ganun.
? Pagpasensyahan nyo na po ang quality mga pics. Lumang camera phone ko po ang ginamit ko at hinalungkat ko pa sa FB albums ko yang mga yan.
Sana makatulong sa inyo. Happy travels!